Translate

Ads

Saturday, May 28, 2011

“Octopus”- kwento mula sa isang lugar sa Pilipinas.


Alas 12 na ng tanghali, uwian na!! 3am ang pasok ko sa trabaho at umuuwi ako bandang ala 1 na ng hapon, naglalabasan na ang aking mga kasamahan at ako’y tila ayaw pang umalis sa aking kinauupuan sa kadahilanang inaantok na ako at parang gusto ko na lamang na matulog sa aking upuan…

Sumakay ako ng jeep palabas ng EDSA, bumaba ako sa malapit sa Megamall, sumakay ng bus upang makarating sa aking inuuwian, nakasakay ako sa FX ng mga time na iyon, hanggang sa makarating ako sa lugar na hindi naman kalayuan sa aming tahanan, may napansin akong tila hindi mawala wala sa aking isip, na hanggang ngayon sariwa pa rin ito kung kaya’t aking naikukwento sa inyo sa pamamagitan nito.

May ginagawang kalsada malapit sa aming bahay na hindi ko malaman kung bakit ganoon na lamang ang pagpapagawa sa kalsadang ito na sa pagkakaalam ko ay maayos pa naman at nadadaanan pa ng mga dambuhalang sasakyan na minsan ay nagagawa pang kumaripas ng takbo kahit maraming tao, bago ang sinesementong kalsadang ito, mas may napansin akong bagay na nagpasakit ng ulo ko,

“Road Cementing Project thru the effort of Official Juan dela Cruz and members of Pilipiniana Group..”

Makulay ang billboard na ito, at kapansin pansin ang napakalaking mukha ng isang tao na ang kaniyang ngiti ay tila abot na hanggang langit, at doon din naksulat ang ibang pangalan, natatawa ako sapagkat kung iyong iisipin mukha na itong litrato ng isang malaking Octopus, (na may malaking ulo, mata at mga galamay sa paligid nito heheheeh) sana ay naiimagine mo ang ibig kong sabihin hahaha!!

Para saan ang billboard na ito?

Isang pang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit bago mag graduation ang mga bata, may lumalabas na tarpaulin sign sa harapan ng paaralan..

“Congratulations to all the Graduates…!!”

Meron pa..

“Free Medical and Dental consultation” ( Octopus na namansa parting gilid nito, hahah, hindi ko lubos maisip bakit kailangan nilang gawin ang mga bagay na ito samantalang may libreng konsultasyon naman sa mga lokal na pamahalaan)

Ito pa…

“Libreng tule” (octopus head na naman susko!!!)

Ito ang malupit sa lahat..

“Happy Fiesta!!” (na hindi mo malaman kung sino ang taong ito na para ring ulo ng octopus ang laki ng mukha sa tarpaulin at bakit kailangan pang bumati sa publiko na kung tutuusin walang nakakakilala talaga sa kanya hahahah)

Anong klaseng mga tao ito at bakit nila pinagkakaabalahan pang gumastos sa mga ganitong klaseng tarpaulin signs or banners na umaabot 25 pesos/sq ft ang isa, hmmm….

Masarap tumulong sa nangangailangan, lalo na kung iyong matutugunan ang kanilang tunay na pangangailangan, ngunit sana ay huwag sa paraang gusto mo lang makilala o sumikat sa paningin ng mga tao..

Madalas itong mangyari sa mga nakaupo na sa Gobyerno, magtatayo ng proyekto at ipagbubulgaran ang mukha nila para lang malaman ng tao na sila ang nagpagawa or tumulong maipagawa ang isang proyekto, samantalang alam ng pamayanan kung sino ang nakaupo mismo sa kanilang kinsasakupang pamayanan, na ang aking payo ay sana wag ganito…

Nakalimutan kong may mga tao pa na dinidaan sa kanilang pagiging gwapo or maganda para sila ay makilala ng tao. Na pati si Lola ay inilalagay na ang kaniyang litrato na nagmula sa ginupit na kalendaryo na tila sa isipan ni lola na itoy kaniya nang iniidolo dahil minsan na siyang nayakap ng taong ito na noon ay napakabango at napakagwapo.

Nagbunga na ang pinaghirapan ng mga taong ito, sila’y nakaluklok na sa kanilang pinakamimithing pwesto sa gobyerno, ngunit tila hindi na sila lumalabas sa kanilang opisina at busyng busy na sa kung anumang bagay, nasaan na sila? Tila 3 taon na ang nakakalipas buhat noong huling tumulong siya sa kaniyang nasasakupan na ngayon ay pati anino ay di na masilayan, bakit? Dahil ba hindi talaga siya ang taong ganon, hindi ba siya talaga mahilig tumulong? O baka naman naubos na ang kaniyang pera sa pagtulong noon kaya kaniya nang binbawi ang kaniyang nagastos ngayong siya na ang nakaupo? Masakit diba? Hahah

Konting panahon na lang ang hinihintay at eleksyon na naman, lalabas na si Mr. Suave para sa kaniyang bagong proyekto. Ang damiii!!, sobrang damii!!! Kalsada, paaralan, tulong medical, Charity work, at kung ano ano pa… sus!!! Grabe talaga!! Ang kakapal ng mga mukha!! heheheeh

Huwag nating gawin ang mga bagay na ito para lang makilala ka ng publiko at pagdating ng eleksyon ay biglang susulpot ang pangalan mo sa balota na iisipin na ng tao na kilala ka na nila kasi minsan ka nang tumulong KUNO sa lugar nila, ang pagtulong ay bukal dapat sa kalooban at hndi dapat ipinagbubulgaran, alam natin na medaling makuha ang mga Pilipino sa ganitong paraan kaya ang aking payo din sa lahat, maging alerto at matalino.

Dahil hindi lahat ay magogoyo mo, at hindi lahat ay BOBO kagaya mo!!

Alam ko na naiintindahan mo ito, masakit para sa iyo pero kailngan mong magbago, kailngan mong matutunan sa sarili mo ang tunay na pagkatao at tunay na pagtulong sa kapwa mo, bago pa mahuli ang lahat…

Sa mga nasasagasaan ko, pasensiya na po kayo, ito lang po ang tunay na nararamadaman ko sa hayop na kung tawagin ay..

“Octopus….”

No comments:

You may try to visit...